Patience
A virtue, an attitude, a high intellectual capacity of understanding. Hindi ko mawari kung gaano na ako katagal na naghihintay... Naghihintay na may tiyaga na dumating ang panahon kung kailan ko masasabi na nakamit ko na ang kakuntentuhan na hinahanap ko. Mahirap, madalas gusto ko ng sumuko dahil bilang tao na nangingibabaw ang kagustuhan na makuha na agad ang ninanais mo. Ngunit kung gagawa lang tayo sa ganang sarili lamang natin, kung ang sariling panukala lang natin ang masusunod, hinding hindi natin matatamo ang gantimpala na bunga ng paghihintay na may tiyaga. Minsan ang hirap intindihin kung bakit hindi pa nangyayari. Ngunit kung uunawain natin ang kahalagahan ng paghihintay, malalaman natin na hindi natin namamalayan na ito'y gawa ng makapangyarihan Niyang mga kamay. Ang paghihintay ay hindi literal na wala kang gagawin dahil naghihintay ka nga lang... Ang paghihintay na may tiyaga ay may kalalip na paggawa. Paggawa na naaayon pa rin sa kalooban Niya.