Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na love

Sa Kanilang Pagtanda

Imahe
Abala na ang mga anak sa mga intindihin sa kani-kaniyang buhay. Busy sa career, sa pag-aaral at sa iba pang mga bagay na gustong-gusto nilang gawin. Sobrang daming gawain sa araw-araw. Minsan ang pagtulog na lang talaga ang pahinga. Pero sa mga magulang natin na tumatanda na, kaunti na lang ang maaaring gawin dahil mahihina na, madalas sila'y mapag-isa at malalim ang iniisip. Tayo ang madalas nilang nasa gunita dahil marahil nag-aalala o nasasabik na muli tayong makasama. Naghihintay sa mga masasayang kuwento mo na naranasan mo kapag ginagawa mo na ang gusto mo. Masaya sila sa maikling panahon na nandyan tayo sa kanilang tabi dahil umaasa sila na sa kanilang pagtanda ay naaalala mo ang kanilang mga sakripisyo para...

Sabay na Nating Tuklasin

Imahe
Hindi maiwasang mag-isip, kailan kaya darating ang taong magiging katuwang ko habang buhay? Hindi maiwasang mabahala, mayroon kayang nakalaan na makakasama? Hindi maiwasang mangarap, may magmamahal kaya ng totoo sa isang katulad ko? Bigla kang dumating, hindi ko maiwasang magtanong muli. Biglang nabahala, ikaw na kaya ang inilaan? Biglang nangarap na ikaw nawa ang magmahal ng isang katulad ko. Ngayon, maglalakas loob na sabihin ang iniisip. Upang huwag ng mabahala pa sa mga darating na panahon At upang ang pangarap na mahalin ng isang tulad mo ay matupad na. Sabay na nating isipin ang darating na panahon. Sabay na nating ilaan ang sarili sa isa't isa na tuklasin ang hinaharap. Sabay na tayong mangarap sa buhay na ito ang pangako ko sa iyo, hangga't ipinagkakaloob pa ang buhay at lakas ay mamahalin ka ng totoo.

#HUGOTsaKaranasan : Walang Forever ... WALANG FOREVER ALONE

Imahe
Sa pakiramdam mo ba ay lagi kang nag-iisa? Kapag umuuwi ka, mag-isa ka lang naglalakad pauwi ng bahay? Pag-birthday mo, wala kang makasamang matino na gusto mo talagang kasama? Madalas na pagkakataon, nakakaramdam ang maraming tao ng pangungulila... Pangungulila sa mga taong gusto sana nilang makasama o kaya kahit makausap man lang. May mga sandali na naghahanap ng makakasama para lang hindi makaramdam ng pag-iisa. Alam mo... di ka naman talaga mag-isa... Manalangin ka lang , malalaman mo na hindi ka mag-isa.

PAMANA

Imahe
Ang pamana ng isang mabuting tao ay pawang kabutihan lamang. Ngunit ang pamana ng isang masamang tao ay dapat mapalitan ng kabutihan. Maging matalino kayo sa paggawa sapagkat marami ang naililigaw nito na kadalasan ay humahantong sa pagiging masama. Huwag masilaw sa mga pansariling katanyagan, ito'y sumisira sa tunay na kahulugan ng buhay. Gamitin natin ang bawat pagkakataon, ang lahat ng sandali ng ating buhay sa paggawa ng mabuti sapagkat ito'y hindi lamang nakakalugod sa kapwa natin kundi ito'y higit na nakakalugod sa Diyos na lumalang sa ating lahat. ANG MABUTI AY MAGPAKABUTI PA... ANG masama AY MAGPAKABUTI NA! ito ang tunay na PAMANA sa mga susunod na henerasyon...