Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2017

May kailangan ka ba sa buhay na ito?

Imahe
Walang nakahain sa lamesa, naghihintay ng maihahanda ng ina. Nanghihingi ng baon para sa Eskwela kaso walang maibigay sa'yo na pera? May lumapit na kaibigan, humihingi ng tulong pero wala ka ring maitulong dahil wala ka namang maibibigay sa kanya. Luma na ang damit, gusto mo sanang bumili kaso ang budget mo ay sapat lang talaga... Anuman ang kailangan mo... Kayang kaya itong ipagkaloob sa'yo kung marunong kang manalangin. Humingi sa pamamagitan ng panalangin na may pagpapasalamat na para bagang mayroon ka na ng bagay na iyon. Mukha bang ewan? May ipagpapasalamat ka ng wala pa? Huwag ganyan ang isipan mo kaibigan, paano ibibigay sa'yo ang mga bagay na hinihingi mo kung hindi ka nagtitiwala na ibibigay iyon sa iyo? Pero kung ikaw ay mananalangin, siguraduhin mong may karapatan kang manalangin sa Dios. Dahil ang tanging Bayan Niya ang may karapatang tumawag at humingi sa Kanya ng mga pagpapala. ALAMIN ang BAYAN Niya sa mga huling araw.

May panahon para diyan

Imahe
Noon akala ko na kailangan kong madaliin ang lahat. Yung pagkain ko dati, lagi ko yun minamadali kasi ayokong ma-miss ang panonood ng paborito kong anime. Lagi rin akong nagmamadali sa pagligo para maaga akong makapag-ayos papuntang school. Pero hindi pala dapat magmadali. Sa pagkain, kailangan mong nguyain ng marahan para matunaw ng maayos ang kinain mo at para hindi sumakit ang tyan mo. Sa pagligo, linising mabuti ang katawan para totoong maayos ka at kaaya-aya saan man magpunta. Bigyan ng panahon ang bawat ginagawa dahil para sa ikabubuti iyon. Oo, tama... sa ikabubuti ang bawat paglalaan ng panahon. Tulad na lamang sa pagkilala sa'yo. Kailangan ko pa ng panahon dahil para sa atin ito. Para naman matanggap ko ng buong puso ang bawat detalye tungkol sa iyo. Gusto kong bigyan ng panahon ang makilala ka pa dahil dito natin malalaman kung talagang para tayo sa isa't isa, di ba? Alam kong may panahon para dito, para sa ating dalawa. At yung mga panahon na gugugulin...