May panahon para diyan
Noon akala ko na kailangan kong madaliin ang lahat.
Yung pagkain ko dati, lagi ko yun minamadali kasi ayokong ma-miss ang panonood ng paborito kong anime. Lagi rin akong nagmamadali sa pagligo para maaga akong makapag-ayos papuntang school. Pero hindi pala dapat magmadali. Sa pagkain, kailangan mong nguyain ng marahan para matunaw ng maayos ang kinain mo at para hindi sumakit ang tyan mo. Sa pagligo, linising mabuti ang katawan para totoong maayos ka at kaaya-aya saan man magpunta. Bigyan ng panahon ang bawat ginagawa dahil para sa ikabubuti iyon.
Oo, tama... sa ikabubuti ang bawat paglalaan ng panahon.
Tulad na lamang sa pagkilala sa'yo.
Kailangan ko pa ng panahon dahil para sa atin ito.
Para naman matanggap ko ng buong puso ang bawat detalye tungkol sa iyo.
Gusto kong bigyan ng panahon ang makilala ka pa dahil dito natin malalaman kung talagang para tayo sa isa't isa, di ba?
Alam kong may panahon para dito, para sa ating dalawa.
At yung mga panahon na gugugulin natin sa pagkilala...
Ay hindi matutumbasan sa habang buhay nating pagsasasama.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento