Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2018

Alamin mo muna

Gigising ka sa umaga, maghahanda para sa buong araw na paggawa. Minsan may plano ka na para sa bawat oras upang wala kang makaligdaan sa mga gagawin mo pero sa bawat sandali ay wala kang kasiguraduhan na matutupad lahat ng plano mo o gusto mo. May mga oras na nahihirapan ka, may mga oras na nakatulala ka lang. hindi alam ang dapat gawin para matamo yung kagustuhan mo na makuntento at maging masaya. Kapag nagkaroon ng pagkakataon sa iyong pagsasarili na isipin yung lahat ng nararanasan mo, maiiyak ka na lang, masasaktan, manghihina. Mabigat pala ang dala-dala mo. Hindi mo alam kung sino ang makakaunawa sa iyo. Pero ang tanong sa iyo, wala ba talagang nakakaunawa sa iyo? Pansinin mo ang nasa paligid mo, mayroong mga tao na kuntento at totoong masaya hindi dahil sila ay mayaman o nasa kanila na ang lahat. Kagaya mo, naghihirap, nagpapagod at nagsasakripisyo rin sila alang-alang sa pangangailangan. Pero, hindi lang ang pangangailangan sa buhay na ito ang pinagsisikapan nila...