Alamin mo muna
Gigising ka sa umaga, maghahanda para sa buong
araw na paggawa. Minsan may plano ka na para sa bawat oras upang wala kang
makaligdaan sa mga gagawin mo pero sa bawat sandali ay wala kang kasiguraduhan
na matutupad lahat ng plano mo o gusto mo. May mga oras na nahihirapan ka, may
mga oras na nakatulala ka lang. hindi alam ang dapat gawin para matamo yung
kagustuhan mo na makuntento at maging masaya. Kapag nagkaroon ng pagkakataon sa
iyong pagsasarili na isipin yung lahat ng nararanasan mo, maiiyak ka na lang, masasaktan,
manghihina. Mabigat pala ang dala-dala mo. Hindi mo alam kung sino ang
makakaunawa sa iyo. Pero ang tanong sa iyo, wala ba talagang nakakaunawa sa
iyo?
Pansinin mo ang nasa paligid mo, mayroong mga
tao na kuntento at totoong masaya hindi dahil sila ay mayaman o nasa kanila na
ang lahat. Kagaya mo, naghihirap, nagpapagod at nagsasakripisyo rin sila
alang-alang sa pangangailangan. Pero, hindi lang ang pangangailangan sa buhay
na ito ang pinagsisikapan nilang makuha kundi higit ang pagtatalaga nila sa
kanilang paggawa para sa pinakamahalaga, para sa Panginoong Diyos. Oo, may
Diyos na lumalang sa lahat, ang Diyos na lumalang sa iyo. Siya ang unang
nakakaunawa sa lahat ng pinagdaraanan ng tao dahil Siya ang nakakakita ng puso.
Pero bago mo kausapin ang Diyos, alamin mo muna kung pakikinggan ka ba Niya.
Dahil hindi lahat ng nilalang Niya ay tinuturing Niyang sa Kaniya. Totoo yun,
kaya may mga taong nahihirapan pa rin, nalulungkot at walang kapayapaan dahil
wala sa kanila ang Diyos. Huwag kang mag-alala, makikinig Siya pero pakinggan
mo muna Siya. Alamin ang kalooban Niya, kung ano ang paraan para pakinggan ka
Niya. Kapag nalaman mo na, gawin mo ang gusto Niya. Pagkatapos, gagawin Niya
ang ninanais ng puso mo at gawing payapa ang buhay mo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento