Mga Post

CHANGE

Imahe
"You can't erase the past but you can change your future by doing good things in the present. But what motivates a person to change?" WATCH HERE:  This young lady name Sayuri was very silly in her very young age but everything changed when she found the happiness that will never get in this world.  A genuine happiness that should be known by everyone.  

Panalangin

May dinadala ka bang mabigat? Sobra ka bang nalulungkot sa takbo ng buhay mo? Sobra ka bang nasasaktan dahil sa mga nangyayari? Kung "OO" ang sagot mo, isa lang ang paraan upang gumaan ang iyong nararamdaman. PANALANGIN... Pero ang tanong lahat ba ay diringgin ng Diyos sa kanyang panalangin? Hindi lahat... dahil hindi lahat ay tinuturing Niyang anak. Alamin mo muna kung paano ka pakikinggan ng Diyos sa iyong mga panalangin.

#HUGOTsaKaranasan : Kabarkada mo ba ito?

Imahe
Schoolmates, officemates, mga kapitbahay, childhood friends, barkada... Sino man sila, marami kami niyan. Kaso, hindi lahat ay kaanib sa Iglesia. Madalas ang saya nyo kasi magkakatulad kayo ng hilig at mga hobbies.Ang saya nyo kapag nagkukuwentuhan kaso ang masakit... hindi lahat ay kaanib sa Iglesia. Bakit ba? Ano bang meron sa Iglesia ni Cristo? kindly visit: https://www.facebook.com/IglesiaNiCristoNewsandUpdates/ for more information, go to: http://iglesianicristo.net/

#HUGOTsaKaranasan : Walang Forever ... WALANG FOREVER ALONE

Imahe
Sa pakiramdam mo ba ay lagi kang nag-iisa? Kapag umuuwi ka, mag-isa ka lang naglalakad pauwi ng bahay? Pag-birthday mo, wala kang makasamang matino na gusto mo talagang kasama? Madalas na pagkakataon, nakakaramdam ang maraming tao ng pangungulila... Pangungulila sa mga taong gusto sana nilang makasama o kaya kahit makausap man lang. May mga sandali na naghahanap ng makakasama para lang hindi makaramdam ng pag-iisa. Alam mo... di ka naman talaga mag-isa... Manalangin ka lang , malalaman mo na hindi ka mag-isa.

Inaalala pa...

Ang pagsusulat kong ito ang magiging paraan para makalimot na sa nagdaang mga alaala. Mga alaala na nakapagbigay sa akin ng saya at kaunawaan sa maraming bahagi ng buhay. Buhay na alaala na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan maaaring itago. Bakit itatago? Sapagkat hindi na kailangan pang ipakita sa taong di nagpapahalaga. Oo, hindi niya ipinapakita ang pagpapahalaga niya dahil ayaw niya akong umasa. Umasa na baka siya rin ay may pagtingin dahil sa mga alaalang nabuo kasama siya Siya... Siya pa rin ang inaalala pa ng puso at isipan...

Panatag

Sa tuwing naiisip natin na napakabigat ng magdala ng buhay... Manalangin ka sa Kanya. Sa tuwing napapansin natin na ang lahat ng tao'y hindi ka maunawaan... Manalangin ka sa Kanya. Sa tuwing iniiwan ka ng mga taong akala mo na sila ang nandyan para alalayan ka... Manalangin ka sa Kanya. Sa tuwing ikaw ay nag-iisa... Manalangin ka sa Kanya. Manalangin... Gusto mong mapanatag sa lahat ng bagay? Manalangin...

Pinakamapayapang lugar sa buong mundo

Imahe
Dito ako nakakapag-isip ng payapa. Dito ko naalala lahat ng mga magaganda at mapapait na pangyayari sa buhay ko. Dito ko nasasabi lahat ng saloobin ko. Dito ako nakakaramdam ng tunay na kapanatagan. Tahimik dito... Napakaayos at napakalinis... Saan mang bahagi ng lugar na ito, masasabi kong ligtas ako kapag nandito ako. Nawawala ang bagabag, nawawala ang takot, nawawala ang kapighatian kapag ako'y nagtutungo rito. At higit sa lahat, alam kong kapiling ko Siya sa dakong ito. Alam niyo ba kung saan ito?