Inaalala pa...

Ang pagsusulat kong ito ang magiging paraan para makalimot na sa nagdaang mga alaala.
Mga alaala na nakapagbigay sa akin ng saya at kaunawaan sa maraming bahagi ng buhay.
Buhay na alaala na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan maaaring itago.
Bakit itatago? Sapagkat hindi na kailangan pang ipakita sa taong di nagpapahalaga.
Oo, hindi niya ipinapakita ang pagpapahalaga niya dahil ayaw niya akong umasa.
Umasa na baka siya rin ay may pagtingin dahil sa mga alaalang nabuo kasama siya
Siya... Siya pa rin ang inaalala pa ng puso at isipan...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi

Sabay na Nating Tuklasin