Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2014

Efeso 6:1-3

Lahat ng utos ng Diyos ay may kalakip na pangako. Ngunit hayag sa Biblia na ang unang utos na nilakipan Niya ng pangako ay ang paggalang sa ama at ina. Ang kinabukasan ng isang anak ay depende sa pagtrato niya sa kanyang mga magulang. Kung inaakala ng isang anak na lalawig at gaganda ang kanyang pamumuhay dahil sa kanyang kakayahan o katalinuhan ay nagkakamali siya. Kung lapastangan ka sa iyong ama at ina, hinding hindi ka makakakamit ng kapayapaan at kaginhawaan dito sa lupa.  Ipinapaunawa ng Diyos ang kaparaanan kung paano makakatamo ng mga biyaya. Kaya suriin natin ang ating sarili kung nakakasunod ba tayo sa kautusan ng Diyos. http://incmedia.org/content/  Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. "Igalang mo ang iyong ama at ina." Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong  "Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa." Efeso 6:1-3

Magtitiis hanggang wakas...

Nakakatuwang balikan yung mga alaala na nagpatatag sa akin. Noon, nasa mali pa akong paniniwala o maling kinalalagyan. Ngayon, ng umanib ako sa Iglesia Ni Cristo, masasabi kong nasa totoong paglilingkod ako. Ang dami kong pagsubok na napagdaanan. Nandyan ang pag-uusig sa pamilya, pangangantyaw ng mga kakilala o mga kinikilala kong kaibigan. Nandyan din ang mga hadlang sa pagtupad. Minsan din may ilan kang makikilala na makakasama mo sa paglilingkod na susubok sa'yong katatagan. May ilang pagkakataong walang wala akong maibigay sa aking mga paglilingkod. Ang Ama lamang nakakaalam kung paano ako nakatawid sa mga kakulangan ko. Minsan nga'y naglalakbay ako na ang tanging dala-dala ko ay ang aking panghandog. Noong una'y wala akong mga damit na pansamba. Oo, mahirap. May pagkakataong gusto ko ng sumuko. May mga pagkakataong gusto kong sumigaw, sabihin sa buong mundo na nasasaktan at napapagod din ako. Ngunit sa pamamagitan ng isang panalangin ko sa Ama, hindi ko namamalaya...