Efeso 6:1-3

Lahat ng utos ng Diyos ay may kalakip na pangako. Ngunit hayag sa Biblia na ang unang utos na nilakipan Niya ng pangako ay ang paggalang sa ama at ina. Ang kinabukasan ng isang anak ay depende sa pagtrato niya sa kanyang mga magulang. Kung inaakala ng isang anak na lalawig at gaganda ang kanyang pamumuhay dahil sa kanyang kakayahan o katalinuhan ay nagkakamali siya. Kung lapastangan ka sa iyong ama at ina, hinding hindi ka makakakamit ng kapayapaan at kaginhawaan dito sa lupa. 

Ipinapaunawa ng Diyos ang kaparaanan kung paano makakatamo ng mga biyaya. Kaya suriin natin ang ating sarili kung nakakasunod ba tayo sa kautusan ng Diyos.

http://incmedia.org/content/

 Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. "Igalang mo ang iyong ama at ina." Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong  "Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa."

Efeso 6:1-3

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi

Sabay na Nating Tuklasin