Magtitiis hanggang wakas...

Nakakatuwang balikan yung mga alaala na nagpatatag sa akin. Noon, nasa mali pa akong paniniwala o maling kinalalagyan. Ngayon, ng umanib ako sa Iglesia Ni Cristo, masasabi kong nasa totoong paglilingkod ako.
Ang dami kong pagsubok na napagdaanan. Nandyan ang pag-uusig sa pamilya, pangangantyaw ng mga kakilala o mga kinikilala kong kaibigan. Nandyan din ang mga hadlang sa pagtupad. Minsan din may ilan kang makikilala na makakasama mo sa paglilingkod na susubok sa'yong katatagan. May ilang pagkakataong walang wala akong maibigay sa aking mga paglilingkod. Ang Ama lamang nakakaalam kung paano ako nakatawid sa mga kakulangan ko. Minsan nga'y naglalakbay ako na ang tanging dala-dala ko ay ang aking panghandog. Noong una'y wala akong mga damit na pansamba. Oo, mahirap. May pagkakataong gusto ko ng sumuko. May mga pagkakataong gusto kong sumigaw, sabihin sa buong mundo na nasasaktan at napapagod din ako. Ngunit sa pamamagitan ng isang panalangin ko sa Ama, hindi ko namamalayan na lumalakas na ulit ako. Nagkakaroon ako ng panibagong sigla. Lahat ay nagkakaroon ng lunas sa tuwing dudulog ako sa Ama. Hindi ko agad napapansin na meron na akong mga bagay na kailangan ko, minsan nga ay higit pa ang nakukuha ko. Napakabuti ng Ama! Ang lagi kong napapatunayan, kapag hindi ka sumuko... paniguradong malalagpasan mo ang lahat na nagtatagumpay.
Malungkot man ang mabuhay sa mundong ito… Lagi pa ring naliligayahan ang puso ko dahil alam kong nandyan ang Ama para ako'y alalayan. Kaya kong magtiis ng hirap, sakit, at pag-uusig alang-alang sa pag-ibig ko sa Ama. Iwan man ako ng mga taong nakapaligid sa akin, hangga’t nandyan ang Ama, magpapatuloy ako sa aking mga paglilingkod.
Ipinaunawa Niya sa akin ang tunay na pananampalataya. Kinahabagan at inibig Niya ako.
Nawa ay mahabag din ang Ama sa aking pamilya, sa aking mga kaibigan na wala pa sa loob ng kawan. Nais kong makasama sila sa tunay na paglilingkod. Ang Ama lamang ang tanging nakakakilala sa bawat isang nilalang Niya. Kaya nauunawaan ko na Siya lamang ang tatawag sa mga taong magbabalik-loob sa Kanya. Nawa, makasama ang mga taong pinapahalagahan ko.
Maraming tao na magsasabi na nababaliw na ako sa mga pinagsasasabi ko. May iba na isasawalang bahala lamang ang mga ito. Ngunit ang lahat ng aking mga sinabi ang siyang tunay na nilalaman ng puso ko… Nais kong makasama ang mga taong mahal ko sa loob ng tunay na Iglesia.

go to: http://rosegerona18.tumblr.com/

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi

Sabay na Nating Tuklasin