Anong plano mo?
Madalas, lagi tayong nagpaplano para sa ating ikabubuti. O kaya ay nagpaplano tayo para sa ating ikasasaya lamang. Gumagamit pa nga tayo ng planner o kaya ng cellphone para mapapaalalahanan tayo kung anu-ano ba ang dapat nating gawin para maisakatuparan ang mga plano natin.
Ngunit kung gaano kadalas ang pagpaplano, ganun rin kadalas na hindi rin nangyayari. Dahil ba sa kulang ang kagustuhan na masunod yung plano na yun? O kaya ay, may mga hindi inaaasahang nangyayari na wala naman sa plano. Well, ewan ko lang... may kanya-kanya pa rin tayong interpretasyon tungkol sa mga planong hindi naman natutupad.
Kapag hindi natutupad ang mga plano ko, plano ko sa buhay... sa una, oo, bilang tao ay naiinis ako. Ngunit, hindi nagtatagal yun dahil nauunawaan ko na lamang. Ito talaga ang mabuti para sa akin. Mas lalo ko lamang naiintindihan na hindi ang kagustuhan natin bilang tao ang masusunod. Ang plano ko na lamang sa buhay ay... SUMUNOD sa plano ng Dios. Dahil ito lamang ang may katiyakan. Tiyak na sasaya ka, tiyak na para ito sa kabutihan. Masaya lang ako dahil, ito na lang kasi ang plano ko sa buong buhay ko... ang SUMUNOD sa plano NIYA para sa buhay ko.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento