Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2017

Salamat dahil dumaan ka

Imahe
Isa sa mga masarap na parte ng buhay ko ay yung dumaan ka Oo, nung dumaan ka kasi, naging assumera ako, nag-akala Akala ko ikaw na yung para sa akin, yung mamahalin ko na Kasi ba naman, sa araw-araw ng buhay ko noon, ikaw ang laging kasama Tuwing umaga, magkikita tayo, minsan nagkataon pero madalas sinasadya ko Madali kasi kitang nabasa, nakilala kaya ayun tinataon ko na yung oras mo Gusto ko kasing mas lalo tayong magkakilala, gusto kong makilala mo ako Ang dami kong ginawa non para makita mong minahal kita ng totoo Ang sarap alalahanin noong nag-aalala ako ng sobra sa'yo kung kumain ka na ba Lagi kong iniisip noon kung saan kaya masarap kumain kasama ka Kinikilig pa nga ako noon kapag magkatabi tayo o kaya ay magkaharap tayo sa isa't isa Ah oo, naalala ko, natutuwa ako sa iyo non kapag nagkukusa kang kuhanan ako ng tubig tsaka ng tinidor at kutsara. Napapangiti na lang talaga ako kapag naaalala ko yung mga pagkakataon na napaiyak na lang ako Oo, umiyak a...

Anong plano mo?

Imahe
Madalas, lagi tayong nagpaplano para sa ating ikabubuti. O kaya ay nagpaplano tayo para sa ating ikasasaya lamang. Gumagamit pa nga tayo ng planner o kaya ng cellphone para mapapaalalahanan tayo kung anu-ano ba ang dapat nating gawin para maisakatuparan ang mga plano natin. Ngunit kung gaano kadalas ang pagpaplano, ganun rin kadalas na hindi rin nangyayari. Dahil ba sa kulang ang kagustuhan na masunod yung plano na yun? O kaya ay, may mga hindi inaaasahang nangyayari na wala naman sa plano. Well, ewan ko lang... may kanya-kanya pa rin tayong interpretasyon tungkol sa mga planong hindi naman natutupad. Kapag hindi natutupad ang mga plano ko, plano ko sa buhay... sa una, oo, bilang tao ay naiinis ako. Ngunit, hindi nagtatagal yun dahil nauunawaan ko na lamang. Ito talaga ang mabuti para sa akin. Mas lalo ko lamang naiintindihan na hindi ang kagustuhan natin bilang tao ang masusunod. Ang plano ko na lamang sa buhay ay... SUMUNOD sa plano ng Dios. Dahil ito lamang ang may katiyakan...