Salamat dahil dumaan ka





Isa sa mga masarap na parte ng buhay ko ay yung dumaan ka
Oo, nung dumaan ka kasi, naging assumera ako, nag-akala
Akala ko ikaw na yung para sa akin, yung mamahalin ko na
Kasi ba naman, sa araw-araw ng buhay ko noon, ikaw ang laging kasama

Tuwing umaga, magkikita tayo, minsan nagkataon pero madalas sinasadya ko
Madali kasi kitang nabasa, nakilala kaya ayun tinataon ko na yung oras mo
Gusto ko kasing mas lalo tayong magkakilala, gusto kong makilala mo ako
Ang dami kong ginawa non para makita mong minahal kita ng totoo

Ang sarap alalahanin noong nag-aalala ako ng sobra sa'yo kung kumain ka na ba
Lagi kong iniisip noon kung saan kaya masarap kumain kasama ka
Kinikilig pa nga ako noon kapag magkatabi tayo o kaya ay magkaharap tayo sa isa't isa
Ah oo, naalala ko, natutuwa ako sa iyo non kapag nagkukusa kang kuhanan ako ng tubig tsaka ng tinidor at kutsara.

Napapangiti na lang talaga ako kapag naaalala ko yung mga pagkakataon na napaiyak na lang ako
Oo, umiyak ako noon, laging umiiyak dahil nasasaktan pala ako
Kapag nalalaman kong napapalapit ka na sa iba, kapag hindi mo na napapansin na wala ako sa tabi mo
Oo, naiisip ko noon, ganun lang pala talaga ako kabilis na malimutan kasi naman ang ganda ganda niya talaga noh.

Pinilit ko na ipaglaban pa rin ang nararamdaman ko kasi baka nag-akala lang ako na sinusubok mo lang ako noon
Bakit kasi ako nag-akala? Ay oo nga pala, kasi binigyan ko ng kahulugan bawat kilos mo, bawat tanong, bawat salita, bawat haplos at bawat yakap mo noon...
Nasanay din ako na lagi kang katabi kapag naglalakbay at sa balikat mo, sinasandal ang ulo tapos hinahawakan mo para huwag mahulog iyon.
Lagi kong hinahanap-hanap din dati ang halimuyak ng pabango mo at kapag naaamoy ko sa malayo yun alam kong malapit ka na sa piling ko non

Ngayon, ang mga alaala na nabuo kasama ka, mananatili na lamang sa nakaraan
Dahil alam kong wala ka namang ginawa para manatili ka hanggang sa kasalukuyan
Dumaan ako sa matinding sakit at hirap para maiparamdam ko lang sa'yo na ikaw ang gusto ko na sanang makasama at maniwala ka man o hindi, ikaw ang hiniling ko para maging katuwang ko hanggang kamatayan
Pero napagtanto ko, hindi pala ikaw yung bigay... hindi ikaw yung nakalaan.

Kaya heto nagpapasalamat na lamang ako sa lahat ng sakit, hirap, lungkot, luha...
Mga luhang natuyo na lamang sa paglipas ng panahon, mga luha na hindi na kayang ilabas ng mga mata
Salamat dahil napatunayan na nagmahal pala talaga ako ng sobra
Salamat dahil natuto ako na hindi lahat ng gusto ko ay ito ang ibibigay kasi kabutihan ko ang laging inaalala ng Ama.

Salamat dahil pinadaan ka ng Dios sa buhay ko
Salamat dahil sa pagdaan mo, marami akong nabago
Oo, nagbago ako para sa lalong ikabubuti ko
Nagbago ako na namamalagi ang tapat na puso.

Ang tanging maipapangako ko sa Ama na nagpadaan sa iyo sa buhay ko...
Mamalagi ako sa pagsunod sa kalooban Niya at mananatili ang pag-ibig sa bawat paggawa ko
Maghihintay ako sa isang katuwang na ipagkakaloob Niya sa tamang panahon na hinihintay ko.
At lagi kong ipagpapasalamat na dumaan ka lang sa buhay ko.


LIKE and SHARE: https://www.facebook.com/MinsanMababawMinsanMalalim

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi

Sabay na Nating Tuklasin