Ito ang napatunayan ko sa dalawang uri ng suliranin
May
napatunayan ako tungkol sa dalawang uri ng suliranin sa mundo.
Na
ito naman ay naranasan ko pareho.
Isang
uri nito ay dulot ng mga pagkakamali ko
Ang
isang uri naman ay para maging kasing dalisay ng ginto.
Oo,
nasabi kong naranasan ko ang mga ito
Ipinaintindi
kasi sa akin ang mga kahulugan nito.
Nangyari
ito upang lalo akong matuto
Makaunawa
pa ng lalong mahalaga kaysa sa sarili ko.
Isang
uri ng suliranin na aking napagdaanan
Noong
nagkulang at nakapagpabaya sa Kanyang kalooban
Mga
panahon na sinunod ang sariling kagustuhan
Na
hindi namamalayan na unti-unting nalalayo sa Kanyang kautusan.
Ngunit
dahil sa Kanyang pagmamahal sa akin
Hindi
Niya hinayaang mawala sa Kanyang piling
Pinaranas
ang saway Niya na parang ayaw ng alisin
Napaiyak
na lamang dahil sa sobrang sakit sa damdamin.
Ang
bawat luha na pumatak dahil sa hapdi
Unti-unti
Niya iyon pinunasan sa aking mga pisngi
Dahil
narinig Niya mula sa langit ang aking mga hikbi
Mga
paghikbi sa Kanya na sa mga kasalanan ay nagsisisi.
Isang
uri ng suliranin na napagdanaan ay upang madalisay ako.
Sinubok
upang malaman kung ako’y totoo.
Mapatunayan
kung tunay ba ang pag-ibig ko
At
upang malaman kung sa Kanyang magagawa ay totoong nagtitiwala ako.
Ang
lagi ko na lamang nasasabi sa Ama kapag ako’y nananalangin
‘Salamat
po!’ Salamat dahil ang lahat ng ito ay ipinararanas sa akin
Lalong
napapalapit sa Ama, hindi ako nawaglit sa Kanyang paningin
Nakabantay
Siyang lagi dahil ako’y mahal Niya pa rin.
Hindi
mahirap magdala ng buhay kung alam mo ang dalawang uri ng suliranin na ito
Dapat
malaman mo na nais Niya na makapanumbalik ang anak Niyang napalayo
Nais
din Niyang subukin ang anak Niya upang lumabas ang tunay na halaga nito.
Ganito
kabuti ang Ama, mahal na mahal Niya tayo.
Ito
ang napatunayan ko sa dalawang uri ng suliranin
Ang
nais ng Ama ay makarating tayo sa Kanyang piling
Ang
dapat lang nating gawin
Marunong
dapat basahin ang nangyayari sa buhay natin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento