Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2017

Sa Pagitan ng Ngayon at Kahapon

Sa pagitan na lamang kita naaalala... Kapag lumilingon sa kahapon, ayoko ng bumalik pa. Sa pagharap ngayon, ni ayaw kong tignan ka. Kaya sa pagitan na lamang kita inaalala upang hindi ka na balikan o puntahan pa. Sa pagitan ng mga alaalang masaya at malungkot. Doon kita nasusumpungan na tila nakabaluktot. Bumabaluktot dahil sa hiya sa ginawa sa akin. Sa mga sakit na idinulot sa damdamin. Sa pagitan ko nakita ang aking sarili Iniisip ang mga salitang sinabi Bumababa sa damdamin na parang tinik na dumiriin ng matindi Ngunit hindi ko namamalayan na parang hangin na lang na dumaan sa tabi. Sa pagitan ng ayoko at hindi na lang sana. Ayokong magkatagpo pa dahil masaya na. Masaya na akong wala ka na. Mas sasaya pa kung hindi na lang sana nakilala. Sa pagitan ng ngayon at kahapon, natagpuan ang sarili ko Na nakatingin sa kalangitan na may inaasahang bago Dahil sa pagitan ng saya at lungkot ko Natagpuan ko ang inilaan para sa akin na hindi ko nakita sa iyo.

Paboritong Parte ng Bahay

Imahe
Sa maraming beses kong tinignan ang bahay namin, lagi kong nasusumpungan na magkakalayo ang mga bahagi nito. Siguro mali ang pagkabuo ng bahay namin kaya hindi naging maayos ang dibisyon ng bawat parte. Makikita mo na ang sala ay naging kainan. Naroon ang mga kalat ng pinagkainan, naroon ang iniwang mga hugasan, naroon ang mga natapon na pinaginuman. Ang kainan ay naging hintayan ng mga labahang dapat ng ibabad sa tubigan, mga damit na punung puno ng dumi na dulot ng kapaligiran at mga napaghalong puti at dekolor na nakakalat lang sa hapagkainan. Anupa't ang kuwarto na sana ay pahingahan ay naging kanlungan ng naghahanap ng mapanuksong kasiyahan. Magdamag nagtatatalon sa kama kasama ang mga tinuturing na mga kaibigan. Ang kuwarto na sana'y katahimikan ang masusumpungan, naging higaan ng pansamantalang kaligayahan. Ang garahe na sana ay para sa mga kotseng magagara ay naging lugar ng mga gustong mapag-isa lamang. Doon sa sulok ng garahe matatagpuan ang sandaling kapayapa...