Sa Pagitan ng Ngayon at Kahapon

Sa pagitan na lamang kita naaalala...
Kapag lumilingon sa kahapon, ayoko ng bumalik pa.
Sa pagharap ngayon, ni ayaw kong tignan ka.
Kaya sa pagitan na lamang kita inaalala upang hindi ka na balikan o puntahan pa.

Sa pagitan ng mga alaalang masaya at malungkot.
Doon kita nasusumpungan na tila nakabaluktot.
Bumabaluktot dahil sa hiya sa ginawa sa akin.
Sa mga sakit na idinulot sa damdamin.

Sa pagitan ko nakita ang aking sarili
Iniisip ang mga salitang sinabi
Bumababa sa damdamin na parang tinik na dumiriin ng matindi
Ngunit hindi ko namamalayan na parang hangin na lang na dumaan sa tabi.

Sa pagitan ng ayoko at hindi na lang sana.
Ayokong magkatagpo pa dahil masaya na.
Masaya na akong wala ka na.
Mas sasaya pa kung hindi na lang sana nakilala.

Sa pagitan ng ngayon at kahapon, natagpuan ang sarili ko
Na nakatingin sa kalangitan na may inaasahang bago
Dahil sa pagitan ng saya at lungkot ko
Natagpuan ko ang inilaan para sa akin na hindi ko nakita sa iyo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi

Sabay na Nating Tuklasin