Sabay na Nating Tuklasin



Hindi maiwasang mag-isip, kailan kaya darating ang taong magiging katuwang ko habang buhay?
Hindi maiwasang mabahala, mayroon kayang nakalaan na makakasama?
Hindi maiwasang mangarap, may magmamahal kaya ng totoo sa isang katulad ko?

Bigla kang dumating, hindi ko maiwasang magtanong muli.
Biglang nabahala, ikaw na kaya ang inilaan?
Biglang nangarap na ikaw nawa ang magmahal ng isang katulad ko.

Ngayon, maglalakas loob na sabihin ang iniisip.
Upang huwag ng mabahala pa sa mga darating na panahon
At upang ang pangarap na mahalin ng isang tulad mo ay matupad na.

Sabay na nating isipin ang darating na panahon.
Sabay na nating ilaan ang sarili sa isa't isa na tuklasin ang hinaharap.
Sabay na tayong mangarap sa buhay na ito ang pangako ko sa iyo, hangga't ipinagkakaloob pa ang buhay at lakas ay mamahalin ka ng totoo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi