Sa Kanilang Pagtanda






Abala na ang mga anak sa mga intindihin sa kani-kaniyang buhay. Busy sa career, sa pag-aaral at sa iba pang mga bagay na gustong-gusto nilang gawin. Sobrang daming gawain sa araw-araw. Minsan ang pagtulog na lang talaga ang pahinga. Pero sa mga magulang natin na tumatanda na, kaunti na lang ang maaaring gawin dahil mahihina na, madalas sila'y mapag-isa at malalim ang iniisip. Tayo ang madalas nilang nasa gunita dahil marahil nag-aalala o nasasabik na muli tayong makasama. Naghihintay sa mga masasayang kuwento mo na naranasan mo kapag ginagawa mo na ang gusto mo. Masaya sila sa maikling panahon na nandyan tayo sa kanilang tabi dahil umaasa sila na sa kanilang pagtanda ay naaalala mo ang kanilang mga sakripisyo para mapalaki ka ng maayos. Mahalin at ipagmalasakit pa natin sila.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi

Sabay na Nating Tuklasin