Mga Post

#HUGOTsaKaranasan : Kabarkada mo ba ito?

Imahe
Schoolmates, officemates, mga kapitbahay, childhood friends, barkada... Sino man sila, marami kami niyan. Kaso, hindi lahat ay kaanib sa Iglesia. Madalas ang saya nyo kasi magkakatulad kayo ng hilig at mga hobbies.Ang saya nyo kapag nagkukuwentuhan kaso ang masakit... hindi lahat ay kaanib sa Iglesia. Bakit ba? Ano bang meron sa Iglesia ni Cristo? kindly visit: https://www.facebook.com/IglesiaNiCristoNewsandUpdates/ for more information, go to: http://iglesianicristo.net/

#HUGOTsaKaranasan : Walang Forever ... WALANG FOREVER ALONE

Imahe
Sa pakiramdam mo ba ay lagi kang nag-iisa? Kapag umuuwi ka, mag-isa ka lang naglalakad pauwi ng bahay? Pag-birthday mo, wala kang makasamang matino na gusto mo talagang kasama? Madalas na pagkakataon, nakakaramdam ang maraming tao ng pangungulila... Pangungulila sa mga taong gusto sana nilang makasama o kaya kahit makausap man lang. May mga sandali na naghahanap ng makakasama para lang hindi makaramdam ng pag-iisa. Alam mo... di ka naman talaga mag-isa... Manalangin ka lang , malalaman mo na hindi ka mag-isa.

Inaalala pa...

Ang pagsusulat kong ito ang magiging paraan para makalimot na sa nagdaang mga alaala. Mga alaala na nakapagbigay sa akin ng saya at kaunawaan sa maraming bahagi ng buhay. Buhay na alaala na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan maaaring itago. Bakit itatago? Sapagkat hindi na kailangan pang ipakita sa taong di nagpapahalaga. Oo, hindi niya ipinapakita ang pagpapahalaga niya dahil ayaw niya akong umasa. Umasa na baka siya rin ay may pagtingin dahil sa mga alaalang nabuo kasama siya Siya... Siya pa rin ang inaalala pa ng puso at isipan...

Panatag

Sa tuwing naiisip natin na napakabigat ng magdala ng buhay... Manalangin ka sa Kanya. Sa tuwing napapansin natin na ang lahat ng tao'y hindi ka maunawaan... Manalangin ka sa Kanya. Sa tuwing iniiwan ka ng mga taong akala mo na sila ang nandyan para alalayan ka... Manalangin ka sa Kanya. Sa tuwing ikaw ay nag-iisa... Manalangin ka sa Kanya. Manalangin... Gusto mong mapanatag sa lahat ng bagay? Manalangin...

Pinakamapayapang lugar sa buong mundo

Imahe
Dito ako nakakapag-isip ng payapa. Dito ko naalala lahat ng mga magaganda at mapapait na pangyayari sa buhay ko. Dito ko nasasabi lahat ng saloobin ko. Dito ako nakakaramdam ng tunay na kapanatagan. Tahimik dito... Napakaayos at napakalinis... Saan mang bahagi ng lugar na ito, masasabi kong ligtas ako kapag nandito ako. Nawawala ang bagabag, nawawala ang takot, nawawala ang kapighatian kapag ako'y nagtutungo rito. At higit sa lahat, alam kong kapiling ko Siya sa dakong ito. Alam niyo ba kung saan ito?

Hugutin mo sa LYRICS :)

Imahe
Here are some of my favorite lines from different songs that I like :) ------------------------------------------------------------------- And every time I feel afraid I hold tighter to my faith  And I live one more day and I make it through the rain "Through The Rain" Thank you for the love and the joy you bring. Because of you I feel no shame. I'll tell the world it's because of you. "Because Of You" Ikaw na lang ang siyang kulang sa buhay kong ito Pangarap ko ang ibigin ka "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka" Ayoko na munang umibig Itutulak palayo ang sinuman  Kalilimutan mag mahal Dibaleng magisa ang puso'y ligtas naman Kaytagal kong nagisa at ikaw ngay dumating "Abot Langit" You could be Mr. Right or could be a fake You know I like you but I don’t wanna take the risk So confused and I don’t know how to deal with it Need sometime fo...

Hanggang sa muli...

Imahe
Mahirap magpaalam sa isang tao na nakapagbigay sa'yo ng mga alaala na mahirap kalimutan. Mahirap tanggapin na yung tao na minsan ay nakasama mo sa mga saya at lungkot ay tuluyan ng nawala sa paningin mo. Masakit pero dapat tanggapin na hindi lahat ng tao na nakapiling mo sa maikling panahon ay siya mo ring makakasama sa mahabang panahon.  Marami akong natutunan sa taong ito kahit saglit lang kami nagkasama. Ang ipinakita niya na katangian ay sapat ng detalye upang lubusan ko siyang makilala. Madali siyang maka-aappreciate ng mga bagay. Mahirap ang kalagayan niya pero hindi niya yun pinagsigawan. Kinuwento niya ang mga masasakit na karanasan pero ni hindi ko naramdaman na ito'y para maawa sa kanyang kalagayan. Ang lakas niya. Siya ang patotoo na lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay ng tao ay kayang-kayang lagpasan at mapagtagumpayan. Kapag naalala ko kung paano siya magkwento, ramdam ko na kuntento siya sa mga nangyayari sa kanya, ni hindi niya ininda ang sakit bagkus ...