Ito ang napatunayan ko sa dalawang uri ng suliranin
May napatunayan ako tungkol sa dalawang uri ng suliranin sa mundo. Na ito naman ay naranasan ko pareho. Isang uri nito ay dulot ng mga pagkakamali ko Ang isang uri naman ay para maging kasing dalisay ng ginto. Oo, nasabi kong naranasan ko ang mga ito Ipinaintindi kasi sa akin ang mga kahulugan nito. Nangyari ito upang lalo akong matuto Makaunawa pa ng lalong mahalaga kaysa sa sarili ko. Isang uri ng suliranin na aking napagdaanan Noong nagkulang at nakapagpabaya sa Kanyang kalooban Mga panahon na sinunod ang sariling kagustuhan Na hindi namamalayan na unti-unting nalalayo sa Kanya...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento