Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2017

Isang mapagmalasakit na LEADER

Imahe
Kapag nakikita natin ang mahal natin sa buhay na napapagod, hindi ba't gusto natin na sana tayo na lang ang napapagod kasi ayaw natin silang nakikitang napapagal. Kapag nakikita natin ang mahal natin sa buhay na nagkakasakit, gusto natin na sana tayo na lang ang nagkasakit kasi ayaw nating sila'y nahihirapan. Kapag nakikita natin ang mahal natin sa buhay na nababahala sa problema, gusto nating tayo na lang sana ang nagdanas nun dahil ayaw nating sila'y nagagambala. Kapag nakikita natin sila na malungkot, sana tayo na lang ang nalulungkot dahil ayaw nating mabigyan sila ng hapis dahil nga sa ating pagmamahal sa kanila. Ganitong ganito ang nararamdaman ko kapag ang mga ito ang nakikita ko sa isang taong napakahalaga para sa akin. Ayokong nakikita siyang napapagod, ayokong nakikita siyang may iniindang sakit, ayokong namomroblema siya, ayokong makita siyang malungkot...  Napakarami niyang ginawa para sa buhay namin. Laging ipinapaalala ang mabuti para sa akin. ...

Naalala ko at Ipinagpasalamat ko

May naalala ka ba na nadapa ka dahil sa mabilis mong pagtakbo? Gusto mo na may magtayo sa'yo mula sa pagkadapa mo. Pero walang tao para itaas kang muli mula sa pagkalugmok kaya ikaw pinilit mo na lang tumayong mag-isa. Sa pagtayo mo, nakita mo na ang laki ng sugat mo sa tuhod at dumudugo pa. May naalala ka ba na naligaw ka dahil sa hindi mo alam ang tamang direksyon sa pupuntahan mo? Nagtanong ka na sa mga tao pero hindi nila alam yung tinutukoy mo. Naglakad ka ng malayo na hinahanap ang palatandaan na tanging sinabi lang sa iyo pero hindi mo pa rin mahanap. Uhaw at pagod ka na dahil sa kakalakad. May naalala ka ba na tumayo ka sa napakaraming tao na wala man lang pumapansin sa'yo? Pinilit mong alisin ang hiya at nakipagusap ka sa ilan. Ngunit sa kabila ng ikaw ang unang namansin, wala silang interest sa'yo. Kaya ikaw, bumalik ulit sa pagkakatayo mo at yumuko. Maraming beses ko ring naalala ang mga ito... Sa mga pagkakataong nangyari ang mga ito. Ganito lang ang...

Guy who keeps his word

Sinabi niya noon na maghihintay lang siya sa labas ng classroom pero paglabas ko ay naglalakad na siya palayo... Kaya magmula noon, hind na ako naniwala sa kaklase kong yun. Nung bago ang araw ng kaarawan ko, sabi niya ay tatawag siya. Naghintay ako ng tawag niya pero wala akong natanggap... Kaya magmula noon, hindi na ako naghintay sa kaibigang kong iyon. Dumating ka... Ang sabi mo sa akin ay tuturuan mo akong muling magtiwala at maghintay sa tamang panahon. Oo, hanggang ngayon ay naghihintay doon sa tamang panahon.

Ito ang napatunayan ko sa dalawang uri ng suliranin

May napatunayan ako tungkol sa dalawang uri ng suliranin sa mundo. Na ito naman ay naranasan ko pareho. Isang uri nito ay dulot ng mga pagkakamali ko Ang isang uri naman ay para maging kasing dalisay ng ginto. Oo, nasabi kong naranasan ko ang mga ito Ipinaintindi kasi sa akin ang mga kahulugan nito. Nangyari ito upang lalo akong matuto Makaunawa pa ng lalong mahalaga kaysa sa sarili ko.                                                                  Isang uri ng suliranin na aking napagdaanan Noong nagkulang at nakapagpabaya sa Kanyang kalooban Mga panahon na sinunod ang sariling kagustuhan Na hindi namamalayan na unti-unting nalalayo sa Kanya...