Isang mapagmalasakit na LEADER

Kapag nakikita natin ang mahal natin sa buhay na napapagod, hindi ba't gusto natin na sana tayo na lang ang napapagod kasi ayaw natin silang nakikitang napapagal.
Kapag nakikita natin ang mahal natin sa buhay na nagkakasakit, gusto natin na sana tayo na lang ang nagkasakit kasi ayaw nating sila'y nahihirapan.
Kapag nakikita natin ang mahal natin sa buhay na nababahala sa problema, gusto nating tayo na lang sana ang nagdanas nun dahil ayaw nating sila'y nagagambala.
Kapag nakikita natin sila na malungkot, sana tayo na lang ang nalulungkot dahil ayaw nating mabigyan sila ng hapis dahil nga sa ating pagmamahal sa kanila.

Ganitong ganito ang nararamdaman ko kapag ang mga ito ang nakikita ko sa isang taong napakahalaga para sa akin. Ayokong nakikita siyang napapagod, ayokong nakikita siyang may iniindang sakit, ayokong namomroblema siya, ayokong makita siyang malungkot... 

Napakarami niyang ginawa para sa buhay namin. Laging ipinapaalala ang mabuti para sa akin. Laging ipinapadama ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapayo at walang sawang pagdalaw sa mga nanghihina.

Ang pagmamahal ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ay hindi matatawaran ng sinumang nabubuhay ngayon. Pumupunta sa mga mapapanganib na lugar, hindi iniinda ang malalakas at pabago-bagong kalamidad, hindi natatakot sa mga taong gustong puminsala sa kanila... Matupad lamang ang kanyang tungkulin, maihatid lamang sa mga tao ang mensahe ng Panginoong Diyos. Sa patnubay ng Espiritu Santo, inihahanay ang mga leksyon, pinag-aaralang mabuti ang mga salita ng Diyos upang buong linaw na maituro ito sa lahat.  Kahit wala pang pahinga, naglalakbay na upang makita ng personal ang mga kapatid. Anong dahilan mo para hindi mo mahalin ang taong ito na inilagay ng Panginoong Diyos?

Ang aking laging hinihiling nawa kahit papaano ay makatulong sa kanilang malawak na gawain. Kaisang-diwa ng Pamamahala na mapatatag din ang mga kapatid at makapag-anyaya pa ng maraming tao upang maipakilala ang tunay na paglilingkod. Nawa sa kahit na maliit na paraan ay maipadama ko sa kanya ang aking pagmamahal sa paraang natutupad ko ang lahat ng kanilang mga itinuro.
Napakabuti ng Ama sa paglalagay Niya sa Kapatid na Eduardo V. Manalo para mapamahalaan ang buong Iglesia Ni Cristo. 

May ganito ba sa ibang relihiyon? Isang mapagmalasakit na TAGAPANGUNA, isang mapagmahal na Tagapamahala.




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi

Sabay na Nating Tuklasin