Naalala ko at Ipinagpasalamat ko

May naalala ka ba na nadapa ka dahil sa mabilis mong pagtakbo?
Gusto mo na may magtayo sa'yo mula sa pagkadapa mo. Pero walang tao para itaas kang muli mula sa pagkalugmok kaya ikaw pinilit mo na lang tumayong mag-isa. Sa pagtayo mo, nakita mo na ang laki ng sugat mo sa tuhod at dumudugo pa.

May naalala ka ba na naligaw ka dahil sa hindi mo alam ang tamang direksyon sa pupuntahan mo?
Nagtanong ka na sa mga tao pero hindi nila alam yung tinutukoy mo. Naglakad ka ng malayo na hinahanap ang palatandaan na tanging sinabi lang sa iyo pero hindi mo pa rin mahanap. Uhaw at pagod ka na dahil sa kakalakad.

May naalala ka ba na tumayo ka sa napakaraming tao na wala man lang pumapansin sa'yo?
Pinilit mong alisin ang hiya at nakipagusap ka sa ilan. Ngunit sa kabila ng ikaw ang unang namansin, wala silang interest sa'yo. Kaya ikaw, bumalik ulit sa pagkakatayo mo at yumuko.



Maraming beses ko ring naalala ang mga ito...
Sa mga pagkakataong nangyari ang mga ito. Ganito lang ang naisip ko...

Sa pagkadapa ko, tumayo ako dahil may nagbigay sa akin ng lakas para makatayong muli. Nung nakita ko ang mga sugat sa tuhod na nagdurugo, alam kong may magpapagaling sa akin. Ngayon, wala ng sugat, humilom na... At lahat ng mga ito ay ipinagpasalamat ko.

Noong naligaw ako, walang taong nakapagturo ng tamang direksyon ngunit hindi ako sumuko sa paghahanap sa lugar na patutunguhan dahil alam kong may gagabay sa akin. Nauhaw at napagod ako dahil sa mahabang paglalakad ngunit nakarating din doon sa lugar na pupuntahan... At dahil dito ay nagpasalamat ako.

Nang maalala ko ang maraming pangyayari sa buhay ko na maraming tao akong nakasama ngunit ni isa ay walang pumansin at gustong umunawa sa akin, yumuko ako... Nanalangin. At dahil dito ang lungkot ay napalitan ng saya dahil alam kong ang Diyos ang pangunahin kong kasama. Pinansin at inunawa Niya ako.


dahil sa mga ito... dahil sa mga alalaalang ito... nagpapasalamat ako sa Diyos. At lagi akong magpapasalamat dahil sa lahat ng sandali ay ipinapaunawa Niya na may kaukulan ang lahat... lahat ng sakit, pagod, hirap, lungkot... Ang mga ito ay ang maghahayag lalo ng Kanyang pagmamahal para sa Kanyang mga minamahal.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi

Sabay na Nating Tuklasin