Bakit nga ba?

Noong bata pa ako, lagi akong nangangarap na maging sikat o kaya ay makarating sa iba't ibang bansa. Naglalaro ako ng iba't ibang karakter mula sa mga pinapanood ko para makuntento lamang ang pagiging bata ko. Nung lumaki na, nasa teenage life, nawalan ako ng interes sa mga laro, gusto kong makakilala ng maraming tao na magiging kaibigan ko, yung tatanggapin ako. May pagkakataon na marami nga akong nakilala. Maraming pagkakataon na nakikisakay sa mga trip nila kahit alam kong ayaw ko ng mga gusto nila dahil sa nakakasakit na. Tinigilan ko, bumaling ako sa pamlya ko pero hindi naman nila ako laging pinapansin dahil sa mas magaling atmas matalino ang mga kapatid ko. Na-insecure at nainggit ako na parang naisip ko na what if kung nawala ako, hahanapin kaya nila ako? Pero hindi rin yun nagtagal dahil naisip ko, mas gugustuhin ko na lang magsikap para balang araw ay ako naman ang ipagmalaki nila. Kaya nagsikap ako na mag-aral ng mabuti kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman ako ganung katalino, at dahil doon ay niloob na makapagtapos ako ng pag-aaral at nakapagtrabaho para makatulong sa pamilya. Napagtanto ko, bakit sa kabila ng marami kong hangarin sa buhay ay hindi ako naligaw at napahamak? Bakit sa kabila ng mga pansarili kong kagustuhan ay nabibigyan ako ng pagkakataon na makuha iyon kahit alam kong wala naman talaga akong kakayahan na makuha iyon? Maraming  akong tanong dati ngunit ito ang lagi kong naitatanong sa sarili noon: Bakit may lakas at buhay ako?

Sa totoo lang, matagal ko na ring nasagot ito noong bata pa ako. Lagi ko ng naiisip na mayroong Diyos na nakatingin sa akin pero hindi ko pa Siya kilala. Noong tumawag ako sa Panginoong Jesu-Cristo, sinabi ko na gusto kong makilala ang Diyos. Hindi nagtagal nakilala ko nga ang tunay na Diyos. Dinala Niya ako sa isang dako kung saan mapapakinggan ko ang mga katotohanan. Mayroong proseso sa pagtanggap ng mga kalooban ng Panginoong Diyos, papasok dapat sa Panginoong Jesu-Cristo para ituring na kasama ka sa Kanyang bayan. Hindi naging madali ang pagpasok doon sa bayan na itnuturing Niya na sa Kanya lang.

Dumaan ako sa mga pagsubok, sa mga sakripisyo, sa pagtatanggi ng sarili na ang dating mga hinangad ko ay napalitan ng kagustuhan na makasunod sa mga kalooban ng Panginoong Diyos. Ito na nga ang sagot sa mga katanungan ko. Kaya pala hindi ako naligaw at napahamak dahil itnuturo Niya ang daan patungo sa Kanya. Kaya pala natutupad ang mga hangarin ko dahil gusto Niya na may kilalanin ako na Diyos na nagkakaloob ng mga kahilingan ko. Kaya pala may buhay at lakas ako para gamitin sa paglilingkod sa Kanya. Kaya pala naisip ko na dati na mayroong Diyos na lumalang ay para hanapin ko Siya at kilalanin ko Siya. Ito na nga ang dahilan kung bakit ako nabuhay sa mundong ito.





Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Patience: The Virtue of Waiting with Grace

Wala akong masabi

Sabay na Nating Tuklasin