Wala akong masabi
Sumusulat ako ngayon dahil sobrang dami ng laman ng puso at isipan ko. Tila ayaw ng magkasya ang mga karagdagang impormasyon na nalalaman ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Nangungulila , nagtatampo ? Naiinis , nagtitiyaga ? Hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang totoong nararamdaman ko. Pero isa lamang ang natitiyak ko... Sasaya rin ako. Pipiliin ko laging maging masaya. Hindi para magmukhang baliw . Kundi ipakita sa mundo na kahit marami akong napagdadaanan na mga suliranin, kaya kong lagpasan ang lahat ng ito.
Oo, maraming tao ang nagiging sanhi ng kalungkutan ko ngunit sila rin ang nagiging kasangkapan upang maging matatag ako. Marami ang hindi nagtitiwala, marami ang nagmamaliit. Marami rin ang nangbabalewala dahil sa inosente kong kaanyuan. Minsan, ang sarap nilang sigawan: HOY! NASASAKTAN DIN AKO, HINDI PO AKO MANHID! Pasalamat na Lang sila at Hindi ako nagmumura . Pasalamat talaga sila, kasi mahal ko sila. Love your enemy, kaya nga Hindi ko sila pinapatulan .
Maraming bagay ang nais ko pang sabihin, Ngunit hindi sapat ang mga salita dahil hindi rin ito ang tunay na susukat ng tunay kong mensahe. Nais ko na lamang patunayan sa aking mga gawa na mayroon din akong magagawa para tulungan ang mga tao na nagdaranas ng ganitong hinanakit, hirap at lungkot. Masaya ako na marami akong paraan para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nalulugmok sa galit at lungkot mula sa nakaraan. Dahil ang pinakananais ko... maging mabuti sa lahat ng pagkakataon kahit hindi ito pinahahalagahan ng ibang tao.
Oo, maraming tao ang nagiging sanhi ng kalungkutan ko ngunit sila rin ang nagiging kasangkapan upang maging matatag ako. Marami ang hindi nagtitiwala, marami ang nagmamaliit. Marami rin ang nangbabalewala dahil sa inosente kong kaanyuan. Minsan, ang sarap nilang sigawan: HOY! NASASAKTAN DIN AKO, HINDI PO AKO MANHID! Pasalamat na Lang sila at Hindi ako nagmumura
Maraming bagay ang nais ko pang sabihin, Ngunit hindi sapat ang mga salita dahil hindi rin ito ang tunay na susukat ng tunay kong mensahe. Nais ko na lamang patunayan sa aking mga gawa na mayroon din akong magagawa para tulungan ang mga tao na nagdaranas ng ganitong hinanakit, hirap at lungkot. Masaya ako na marami akong paraan para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nalulugmok sa galit at lungkot mula sa nakaraan. Dahil ang pinakananais ko... maging mabuti sa lahat ng pagkakataon kahit hindi ito pinahahalagahan ng ibang tao.
Ako ay humahanga sa angkin mong talento at kakayanan! Nagpapasalamat din ako dahil may ganitong basahin na talaga naman nakakapagbigay ng inspirasyon para magpatuloy sa mithiin at manalig sa sarili lalo na sa ating Panginoong Diyos!
TumugonBurahin