Mga Post

Alamin mo muna

Gigising ka sa umaga, maghahanda para sa buong araw na paggawa. Minsan may plano ka na para sa bawat oras upang wala kang makaligdaan sa mga gagawin mo pero sa bawat sandali ay wala kang kasiguraduhan na matutupad lahat ng plano mo o gusto mo. May mga oras na nahihirapan ka, may mga oras na nakatulala ka lang. hindi alam ang dapat gawin para matamo yung kagustuhan mo na makuntento at maging masaya. Kapag nagkaroon ng pagkakataon sa iyong pagsasarili na isipin yung lahat ng nararanasan mo, maiiyak ka na lang, masasaktan, manghihina. Mabigat pala ang dala-dala mo. Hindi mo alam kung sino ang makakaunawa sa iyo. Pero ang tanong sa iyo, wala ba talagang nakakaunawa sa iyo? Pansinin mo ang nasa paligid mo, mayroong mga tao na kuntento at totoong masaya hindi dahil sila ay mayaman o nasa kanila na ang lahat. Kagaya mo, naghihirap, nagpapagod at nagsasakripisyo rin sila alang-alang sa pangangailangan. Pero, hindi lang ang pangangailangan sa buhay na ito ang pinagsisikapan nila...

Bakit nga ba?

Imahe
Noong bata pa ako, lagi akong nangangarap na maging sikat o kaya ay makarating sa iba't ibang bansa. Naglalaro ako ng iba't ibang karakter mula sa mga pinapanood ko para makuntento lamang ang pagiging bata ko. Nung lumaki na, nasa teenage life, nawalan ako ng interes sa mga laro, gusto kong makakilala ng maraming tao na magiging kaibigan ko, yung tatanggapin ako. May pagkakataon na marami nga akong nakilala. Maraming pagkakataon na nakikisakay sa mga trip nila kahit alam kong ayaw ko ng mga gusto nila dahil sa nakakasakit na. Tinigilan ko, bumaling ako sa pamlya ko pero hindi naman nila ako laging pinapansin dahil sa mas magaling atmas matalino ang mga kapatid ko. Na-insecure at nainggit ako na parang naisip ko na what if kung nawala ako, hahanapin kaya nila ako? Pero hindi rin yun nagtagal dahil naisip ko, mas gugustuhin ko na lang magsikap para balang araw ay ako naman ang ipagmalaki nila. Kaya nagsikap ako na mag-aral ng mabuti kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman ako g...

Hangarin mo ang mga ito na taglay lamang ng ilan

Imahe
Sa gitna ng lupaing may kalungkutan, mayroon kang maaasahan na magbibigay ng kaligayahan. Sa malawak na sakunang nangyayari sa kapaligiran, may matatagpuan pa ring kapayapaan na kaunti lang ang nakakaalam kung saan. Sa kabagabagan ng karamihan, ilan ka lamang sa mga taong nanatili sa kasiyahan dahil sa hawak mo ang katotohanan. Ang katotohanan na nagbibigay ng tunay na buhay sa mga nagkaroon ng kaunawaan.

What I've learned in life...

Imahe
Not all things are meant for you even if you've worked hard for it, if it's not meant to be, it will never be yours but if you'll accept it wholeheartedly, better things will just come perfectly in your life.

TAHAN NA

Imahe
Umiiyak ka ba ngayon dahil sa lalaking pinahalagahan mo ng totoo? Kung maaari, tahan na... Ang isang tunay na lalaking nagmamahal sa'yo ay hinding hindi ka papayagang iyakan siya dahil nga sa mahal ka niyang totoo. Iniisip mo ba siya ngayon? Naalala lahat ng mga pagkakataong kasama mo siya noon... Kung maaari, tama na... Alalahanin mo na lamang na may darating pa na mas karapat-dapat sa iyong atensyon. Napapaiyak ka pa rin ba hanggang ngayon? Kung maaari, punasan mo na ang mga luha... Dahil ang isang lalaking walang pakielam sa nararamdaman mo ay walag karapatan sa pagmamahal mo.

Sa Pagitan ng Ngayon at Kahapon

Sa pagitan na lamang kita naaalala... Kapag lumilingon sa kahapon, ayoko ng bumalik pa. Sa pagharap ngayon, ni ayaw kong tignan ka. Kaya sa pagitan na lamang kita inaalala upang hindi ka na balikan o puntahan pa. Sa pagitan ng mga alaalang masaya at malungkot. Doon kita nasusumpungan na tila nakabaluktot. Bumabaluktot dahil sa hiya sa ginawa sa akin. Sa mga sakit na idinulot sa damdamin. Sa pagitan ko nakita ang aking sarili Iniisip ang mga salitang sinabi Bumababa sa damdamin na parang tinik na dumiriin ng matindi Ngunit hindi ko namamalayan na parang hangin na lang na dumaan sa tabi. Sa pagitan ng ayoko at hindi na lang sana. Ayokong magkatagpo pa dahil masaya na. Masaya na akong wala ka na. Mas sasaya pa kung hindi na lang sana nakilala. Sa pagitan ng ngayon at kahapon, natagpuan ang sarili ko Na nakatingin sa kalangitan na may inaasahang bago Dahil sa pagitan ng saya at lungkot ko Natagpuan ko ang inilaan para sa akin na hindi ko nakita sa iyo.

Paboritong Parte ng Bahay

Imahe
Sa maraming beses kong tinignan ang bahay namin, lagi kong nasusumpungan na magkakalayo ang mga bahagi nito. Siguro mali ang pagkabuo ng bahay namin kaya hindi naging maayos ang dibisyon ng bawat parte. Makikita mo na ang sala ay naging kainan. Naroon ang mga kalat ng pinagkainan, naroon ang iniwang mga hugasan, naroon ang mga natapon na pinaginuman. Ang kainan ay naging hintayan ng mga labahang dapat ng ibabad sa tubigan, mga damit na punung puno ng dumi na dulot ng kapaligiran at mga napaghalong puti at dekolor na nakakalat lang sa hapagkainan. Anupa't ang kuwarto na sana ay pahingahan ay naging kanlungan ng naghahanap ng mapanuksong kasiyahan. Magdamag nagtatatalon sa kama kasama ang mga tinuturing na mga kaibigan. Ang kuwarto na sana'y katahimikan ang masusumpungan, naging higaan ng pansamantalang kaligayahan. Ang garahe na sana ay para sa mga kotseng magagara ay naging lugar ng mga gustong mapag-isa lamang. Doon sa sulok ng garahe matatagpuan ang sandaling kapayapa...