Mga Post

Wala akong masabi

Sumusulat ako ngayon dahil sobrang dami ng laman ng puso at isipan ko. Tila ayaw ng magkasya ang mga karagdagang impormasyon na nalalaman ko. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Nangungulila , nagtatampo ? Naiinis , nagtitiyaga ? Hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang totoong nararamdaman ko. Pero isa lamang ang natitiyak ko... Sasaya rin ako. Pipiliin ko laging maging masaya. Hindi para magmukhang baliw . Kundi ipakita sa mundo na kahit marami akong napagdadaanan na mga suliranin, kaya kong lagpasan ang lahat ng ito. Oo, maraming tao ang nagiging sanhi ng kalungkutan ko ngunit sila rin ang nagiging kasangkapan upang maging matatag ako. Marami ang hindi nagtitiwala, marami ang nagmamaliit. Marami rin ang nangbabalewala dahil sa i...

Sa Kanilang Pagtanda

Imahe
Abala na ang mga anak sa mga intindihin sa kani-kaniyang buhay. Busy sa career, sa pag-aaral at sa iba pang mga bagay na gustong-gusto nilang gawin. Sobrang daming gawain sa araw-araw. Minsan ang pagtulog na lang talaga ang pahinga. Pero sa mga magulang natin na tumatanda na, kaunti na lang ang maaaring gawin dahil mahihina na, madalas sila'y mapag-isa at malalim ang iniisip. Tayo ang madalas nilang nasa gunita dahil marahil nag-aalala o nasasabik na muli tayong makasama. Naghihintay sa mga masasayang kuwento mo na naranasan mo kapag ginagawa mo na ang gusto mo. Masaya sila sa maikling panahon na nandyan tayo sa kanilang tabi dahil umaasa sila na sa kanilang pagtanda ay naaalala mo ang kanilang mga sakripisyo para...

Why We Don't Give Up?

WHY are we not bothered about failure? Because we know that failure is just a part of our journey to success. WHY are we not afraid of trying again? Because we know that as long as we're still alive, we always have chances to succeed. WHY are we not giving up on our dreams? Because we know, it is not impossible to reach our dreams if we're faithful and loyal to One who will give us the triumph that we are aiming for.

Sabay na Nating Tuklasin

Imahe
Hindi maiwasang mag-isip, kailan kaya darating ang taong magiging katuwang ko habang buhay? Hindi maiwasang mabahala, mayroon kayang nakalaan na makakasama? Hindi maiwasang mangarap, may magmamahal kaya ng totoo sa isang katulad ko? Bigla kang dumating, hindi ko maiwasang magtanong muli. Biglang nabahala, ikaw na kaya ang inilaan? Biglang nangarap na ikaw nawa ang magmahal ng isang katulad ko. Ngayon, maglalakas loob na sabihin ang iniisip. Upang huwag ng mabahala pa sa mga darating na panahon At upang ang pangarap na mahalin ng isang tulad mo ay matupad na. Sabay na nating isipin ang darating na panahon. Sabay na nating ilaan ang sarili sa isa't isa na tuklasin ang hinaharap. Sabay na tayong mangarap sa buhay na ito ang pangako ko sa iyo, hangga't ipinagkakaloob pa ang buhay at lakas ay mamahalin ka ng totoo.

Alamin mo muna

Gigising ka sa umaga, maghahanda para sa buong araw na paggawa. Minsan may plano ka na para sa bawat oras upang wala kang makaligdaan sa mga gagawin mo pero sa bawat sandali ay wala kang kasiguraduhan na matutupad lahat ng plano mo o gusto mo. May mga oras na nahihirapan ka, may mga oras na nakatulala ka lang. hindi alam ang dapat gawin para matamo yung kagustuhan mo na makuntento at maging masaya. Kapag nagkaroon ng pagkakataon sa iyong pagsasarili na isipin yung lahat ng nararanasan mo, maiiyak ka na lang, masasaktan, manghihina. Mabigat pala ang dala-dala mo. Hindi mo alam kung sino ang makakaunawa sa iyo. Pero ang tanong sa iyo, wala ba talagang nakakaunawa sa iyo? Pansinin mo ang nasa paligid mo, mayroong mga tao na kuntento at totoong masaya hindi dahil sila ay mayaman o nasa kanila na ang lahat. Kagaya mo, naghihirap, nagpapagod at nagsasakripisyo rin sila alang-alang sa pangangailangan. Pero, hindi lang ang pangangailangan sa buhay na ito ang pinagsisikapan nila...

Bakit nga ba?

Imahe
Noong bata pa ako, lagi akong nangangarap na maging sikat o kaya ay makarating sa iba't ibang bansa. Naglalaro ako ng iba't ibang karakter mula sa mga pinapanood ko para makuntento lamang ang pagiging bata ko. Nung lumaki na, nasa teenage life, nawalan ako ng interes sa mga laro, gusto kong makakilala ng maraming tao na magiging kaibigan ko, yung tatanggapin ako. May pagkakataon na marami nga akong nakilala. Maraming pagkakataon na nakikisakay sa mga trip nila kahit alam kong ayaw ko ng mga gusto nila dahil sa nakakasakit na. Tinigilan ko, bumaling ako sa pamlya ko pero hindi naman nila ako laging pinapansin dahil sa mas magaling atmas matalino ang mga kapatid ko. Na-insecure at nainggit ako na parang naisip ko na what if kung nawala ako, hahanapin kaya nila ako? Pero hindi rin yun nagtagal dahil naisip ko, mas gugustuhin ko na lang magsikap para balang araw ay ako naman ang ipagmalaki nila. Kaya nagsikap ako na mag-aral ng mabuti kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman ako g...

Hangarin mo ang mga ito na taglay lamang ng ilan

Imahe
Sa gitna ng lupaing may kalungkutan, mayroon kang maaasahan na magbibigay ng kaligayahan. Sa malawak na sakunang nangyayari sa kapaligiran, may matatagpuan pa ring kapayapaan na kaunti lang ang nakakaalam kung saan. Sa kabagabagan ng karamihan, ilan ka lamang sa mga taong nanatili sa kasiyahan dahil sa hawak mo ang katotohanan. Ang katotohanan na nagbibigay ng tunay na buhay sa mga nagkaroon ng kaunawaan.